VR ng Mga Property Kaugnay ng Artillery Battery sa Sasebo Naval District

Noong huling bahagi ng 19th century, naging agarang pangangailangan para sa Japan ang magkaroon ng matibay na depensang pandagat upang makasabay sa Western powers bilang isang modernong bansa. Dahil dito, isinagawa ang pambansang proyekto upang pumili ng apat na natural harbor at sinimulang paunlarin ang mga ito bilang mga naval port. Isa sa mga ito ang Sasebo, kung saan binuksan ang Sasebo Naval District noong 1889.
Kasabay ng pagbubukas ng Sasebo Naval District, itinayo ang Sasebo Fortress—isang Army artillery battery facility—at ang mga antiaircraft battery ng Navy Defense at Guard Force, upang ipagtanggol ang naval port laban sa posibleng paglapag ng kalaban o pag-atake mula sa himpapawid. Sa proteksiyong ibinigay ng mga pasilidad na ito, unti-unting itinayo sa paligid ng naval port ang opisina ng Naval District at ang mga pasilidad ng Marines. Ang pagtatatag ng Naval District at ng mga nakapaligid nitong pasilidad ay may malaking papel sa paghubog ng kasalukuyang lungsod ng Sasebo.

Pagpapakilala ng mga kultural na ari-arian

Sasebo Fortress at mga Kaugnay na Pasilidad(Dating Imperial Japanese Army Sasebo Fortress Marude-Yama Battery Observation Post)

Nang itatag ang naval port sa Sasebo, itinayo ng Army ang Sasebo Fortress upang protektahan ito. Hanggang 1901, pangunahing naitayo ang battery ng fortress sa paligid ng pasukan ng Sasebo Port, at inilagay sa loob ng lungsod ng Sasebo ang Fortress Headquarters at Fortress Artillery Regiment. Kalaunan, nang magbago ang strategic focus ng Japan mula sa depensa tungo sa agresibong operasyon, unti-unting nawala ang kahalagahan ng fortress. Noong 1936, ito ay tuluyang inalis at isinama sa Nagasaki Fortress. Ang Marude-Yama Battery ay nagsilbing pangunahing battery ng Sasebo Fortress, na idinisenyo para sa matagalang labanan laban sa mga papalapit na barko ng kaaway. Mayroon itong apat na 24 cm canon para sa direct fire at apat na 28 cm howitzer para sa indirect fire. Sa mga ito, ang armored cover ng observation post na responsable sa labanan gamit ang 28 cm howitzer (pagtataya ng distansya at tama ng putok sa kalaban upang maipadala ang impormasyon sa battery command) ay nananatili pa rin hanggang ngayon—isang katangiang makikita lamang sa Marude-Yama at sa Tomogashima 1st Battery ng Yura Fortress (sa Wakayama City, Wakayama Prefecture).

Navy Defense at Guard Batteries(Ruins ng Antiaircraft Battery sa Mt. Tajima)

Ang mga eroplano na unang ginamit sa aktwal na labanan noong World War I ay mabilis na umunlad at naging seryosong banta sa mga barko at siyudad. Noong 1924, unang isinagawa ang mga pagsasanay na inihanda para sa posibilidad ng aerial attack. Noong panahong iyon, nagtayo ng pansamantalang antiaircraft battery sa tuktok ng Mt. Yumihari, kung saan matatanaw ang Naval District. Mula noon, ginamit ang pansamantalang antiaircraft battery na ito bilang training gun para sa pagasasanay sa labanang antiaircraft. Noong 1937, nang sumiklab ang Sino-Japanese War, inilagay ang mga antiaircraft battery sa 12 lokasyon, kasama ang Mt. Yumihari. Sa huling yugto ng Pacific War, isinagawa ang malaking pagpapalakas ng mga kagamitan mula Hunyo 1944. Ito ay naging malalakas na battery na may pinakabagong kagamitan, kasama ang dalawang Type 98 na 10 cm High-Angle Gun at isang Type 4 Model 1 Radar para sa antiaircraft attack. Ito ay kasabay ng paglusob ng American Army Heavy Bomber B29 sa kontinente ng China, at itinuturing na unang halimbawa sa Japan kung saan naghanda ng antiaircraft battery laban sa B29. Matinding nilabanan ng Antiaircraft Battery sa Mt. Tajima ang mga aerial attack sa mainland, at noong Hunyo 29, 1945, sa Sasebo Air Raid, nakapagpasabog ito ng 139 rounds sa loob ng 14 na radar-directed firing operations. Sa kasalukuyan, makikita pa rin sa magandang kondisyon ang mga pasilidad na nagpapakita ng istruktura ng dating anti-aircraft battery, tulad ng mga bakas ng radar, gun emplacement, command post, at ammunition storage.

Mga Pasilidad Kaugnay ng Sasebo Naval District at Japanese Navy(Dating Sasebo Naval District Archives Building)

Matatagpuan ang dating Sasebo Naval District Archives Building sa Imafuku-cho, Sasebo City. Katabi nito ang Yatake Reservoir (1889), bahagi ng pinakamatandang waterworks sa buong Kyushu—ang dating Sasebo Naval District Waterworks. Ito ang gusali ng dating “Naval District Archives,” ang yunit na nangangasiwa sa pag-iingat ng mga classified blueprint at opisyal na dokumento ng Naval District.
Natapos itong itayo noong Disyembre 1937, at pinalawak pa noong Marso 1939. May dalawang palapag ang gusaling ito at may isang basement, at gawa ito sa reinforced concrete. Ang kabuuang building footprint ay 136.18 m², at ang total floor area ay 779.19 m². Ginamitan ito ng rigid frame structure na gawa sa reinforced concrete, at ang mga beam ay may haunch. Marami ring earthquake-resistant wall (partition walls) na nakakabit sa mga haligi, kaya’t napakataas ng structural resistance nito laban sa panlabas na puwersa. Sa basement nito ay may dry area para sa natural lighting, moisture control, at ventilation—isang pambihirang disenyo para sa mga gusaling itinayo bago ang digmaan.

3D Content

AR

ARコンテンツ制作協力:「横浜旧軍無線通信資料館」

360° Virtual Tour

文化庁

令和7年度 文化資源活用事業費補助金(文化財多言語解説整備事業)