Mga Pamanang Modernisasyon sa Tottori

Sa Panahon ng Edo (1603 – 1868), ipinagmalaki ng Lungsod ng Tottori ang pagiging ika-12 mula sa humigit-kumulang 300 na domain sa buong bansa na may pinakamataas na kita mula sa ani (sukat ng pananalapi). Subalit sa mga sumunod na modernong panahon, isang serye ng paghihirap ang naghihintay.

Agad pagkatapos ng Meiji Restoration (1868), ang Prepektura ng Tottori (dating Tottori Domain) ay pansamantalang isinama sa Prepektura ng Shimane dahil sa pampolitikong dahilan, kaya ang bayan sa paligid ng Tottori Castle na dating umunlad bilang isang domain ay mabilis na nakaranas ng pagbagsak. Dagdag pa rito, dahil sa mga heograpikal na dahilan, ang rehiyon ng San’in kung saan matatagpuan ang lungsod ng Tottori ay mabagal ang pag-unlad kumpara sa ibang rehiyon pagdating sa pagbuo ng mga network ng transportasyon tulad ng mga riles ng tren at kalsada, kaya mabagal din ang bilis ng modernong pag-unlad ng ekonomiya. Higit pa rito, ang Lungsod ng Tottori ay nakaranas ng maraming sakuna. Bilang karagdagan sa pabalik-balik na malalang pagbaha, ang malakas na lindol (magnitude 7.2) noong 1943 ay nagdulot ng malubhang pinsala sa sentro ng lungsod, at kinailangan ng maraming oras at pagsisikap upang makabangon muli. Niyanig ng mga natural na sakuna na ito ang pundasyon ng pamumuhay ng mga residente at pansamantalang pinigilan ang pag-unlad ng Lungsod ng Tottori bilang isang modernong lungsod. Bukod pa rito, noong 1952, isang sunog na hindi matukoy ang pinagmulan ang sumira sa malaking bahagi ng lungsod at ang mga residente ay nagdusa ng malubhang pinsala. Kaya, ang Lungsod ng Tottori sa modernong panahon ay humarap sa politikal na pagsubok, ekonomikong paghihirap, at pabalik-balik na sakuna, at kinailangan nitong lampasan ang maraming pagsubok para sa pag-unlad bilang isang modernong lungsod.

Ang Lungsod ng Tottori ay umunlad mula sa Panahong Sengoku (ika-15~16 na siglo) hanggang sa Panahon ng Edo. Pagkatapos nito, bagama’t pansamantalang bumaba ang pag-unlad ng lungsod, ang unti-unti pagiging moderno nito ay makikita sa mga mahalagang kultural na ari-arian na nakapreserba sa loob ng lungsod tulad ng “Jinpukaku” at “Headwaters Reservoir at Facility Complex ng Suplay ng Tubig ng Dating Mitani”.

Metastore

Mula dito, maaari mong ma-enjoy ang digital contents sa METAVERSE space.

Pagpapakilala ng mga kultural na ari-arian

Mga Guho ng Kastilyo ng Tottori at Taikoganaru

Ang Mga Guho ng Kastilyo ng Tottori ay nagmula sa mountain castle noong ika-16 na siglo at kapansin-pansin ang pagkakaroon nito ng matarik na lupain. Ang mga guho ng kastilyo na ito ay kilala bilang isang “kilalang bundok na walang kapantay sa Japan”, at si Oda Nobunaga, isang kilalang Japanese military commander sa kasaysayan ng Japan, ay pinuri din ito bilang isang “sikat na kastilyo”.

Sa kasaysayan, naging entablado ito para sa pag-atake sa pamamagitan ng pagpigil sa suplay ng military na pinamunuan ni Hashiba Hideyoshi (kalaunan ay Toyotomi Hideyoshi), ang lingkod ni Oda Nobunaga. Noong ika-17 na siglo, pinalawak at napanatili ni Ikeda Mitsumasa ang kastilyo bilang isang kastilyo sa flatland mountain na may sakop na 320,000 kita mula sa ani. Tinatawag din ito bilang “nakababatang kapatid ng Kastilyo ng Himeji” dahil ang mga manggagawa ng Kastilyo ng Himeji, na itinalaga bilang isang national treasure ng Japan, ay kabilang sa konstruksyon ng Kastilyo ng Tottori. Sa Ninomaru kung saan matatagpuan ang tirahan ng panginoong pyudal, itinayo ang kauna-unahang tatlong palapag na hugis pagoda na turret sa rehiyon ng San’in, at matagal na itong nagbibigay ng dangal sa mga tao bilang simbolo ng domain.

Pagkatapos kay Mitsumasa, ang Pamilya Ikeda ng Tottori ay nakilala bilang mga pangunahing tagapagtaguyod ng Meiji Restoration (1868). Sa partikular, ang ika-12 henerasyon na si Yoshinori ay nagtayo ng high performance reverberatory furnace at nagsilbi bilang miyembro ng bagong gobyerno noong Digmaang Boshin (1868-1869). Sa ilalim ng kautusan ng pagpapasara ng kastilyo pagkatapos ng Meiji Restoration, maraming gusali ang naiwan dahil sa militar na pangangalingan. Subalit, nang naitatag ang kaayusan, kasabay ng pag-atras ng mga sundalo, giniba ang mga simbolikong turret. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang mga proyekto ng restoration ng mga gusali ng kastilyo sa dati nitong anyo.

Ang “Taikoganaru” ay isang napakalaking pangunahing kampo na itinayo noong 1581 ni Hashiba Hideyoshi para sa pag-atake sa pamamagitan ng pagpigil sa suplay ng military ng Kastilyo ng Tottori. Kahanga-hanga din ang malaking linya ng depensa na may tatlong magkakonektadong moat.

Ang Mga Guho ng Kastilyo ng Tottori na itinalaga bilang makasaysayang pook sa bansa ay ipinapahayag sa kasalukuyang panahon ang anyo na pinagbago ng mga kastilyo mula sa panahon ng medyebal hanggang sa maagang moderno at modernong panahon sa Japan. Ito rin ay napili bilang isa sa mga kilalang 100 kastilyo sa Japan.

Tatlong palapag na turret ng Ninomaru na dating simbolo ng kastilyo

Tatlong palapag na turret ng Ninomaru na dating simbolo ng kastilyo

Ang Tenkyumaru Spherical stone wall na hindi makikita sa ibang kastilyo

Ang Tenkyumaru Spherical stone wall na hindi makikita sa ibang kastilyo

Ang stone wall sa sentro ay bakas ng dating Hishi Yagura turret

Ang stone wall sa sentro ay bakas ng dating Hishi Yagura turret

Jinpukaku

Ang Jinpukaku ay isang gusali na sumisimbolo sa modernisasyon ng Lungsod ng Tottori at gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad ng rehiyon. Noong 1907, itinayo ito ng dating panginoong pyudal ng Tottori na si Viscount Ikeda Nakahiro bilang isang akomodasyon upang salubungin ang pagbisita ng Kanyang Kamahalan ang Crown Prince (kalaunan ay naging Emperor Taisho). Ito ang tanging tunay na estilo ng kanluran na gusali sa rehiyon ng San’in.

Isinasalamin ng arkitektural na estilo ng Jinpukaku ang pag-unlad ng arkitektural na teknolohiya ng kanluran noong Panahon ng Meiji. Idinisenyo ito ni Dr. Katayama Tokuma, na siya ring nagdisenyo ng Dating Tirahan ng Crown Prince, angState Guest House Akasaka Palace, na itinalaga bilang isang national treasure ng Japan.

Kasabay ng konstruksyon ng Jinpukaku, nabigyan rin ng kuryente at telepono ang sentro ng lungsod. Dagdag pa rito ang pag-unlad ng network ng transportasyon tulad ng pagpapatayo ng mga riles ng tren sa Prepektura ng Tottori at iba pa ay mabilis na naisulong, at ang lungsod ay na-modernize. Kaya ang malaki at tunay na estilo ng kanluran na arkitektura sa mga lungsod sa rehiyon ay napakahalaga at sumisimbolo sa modernisasyon at teknolohiyang pag-unlad sa mga lungsod sa rehiyon.

Samakatuwid, ang Jinpukaku ay isang simbolikong gusali ng modernisasyon sa Lungsod ng Tottori, at mula noong Meiji Restoration (1868), nag-ambag ito nang malaki sa pag-unlad ng Lungsod ng Tottori, na bago nito ay nakaranas ng mahabang panahon ng pagbagsak.

Ang octagonal na hagdanan sa gilid ay isa sa mga tampok na makikita mula sa labas

Ang octagonal na hagdanan sa gilid ay isa sa mga tampok na makikita mula sa labas

Ang harapan ng gusali ay pinalamutian ng semental pediment (gablete na hugis suklay)

Ang harapan ng gusali ay pinalamutian ng semental pediment (gablete na hugis suklay)

Spiral na hagdanan na gawa sa kahoy na walang support columns

Spiral na hagdanan na gawa sa kahoy na walang support columns

Headwaters Reservoir at Facility Complex ng Suplay ng Tubig ng Dating Mitani

Ang Headwaters Reservoir at Facility Complex ng Suplay ng Tubig ng Dating Mitani ay gumanap ng mahalagang papel bilang simbolo ng modernisasyon ng Lungsod ng Tottori. Sinimulan ang konstruksyon nito noong 1913, at ang pasilidad ay idinisenyo ni Mita Zentaro, isang doktor ng agham at unang Japanese engineer na nagdisenyo ng sistema ng water sewage. Natapos ito noong 1915 bilang kauna-unahang modernong suplay ng tubig sa rehiyon ng San’in.

Gayunpaman, tatlong taon nang matapos ito, nagkaroon ng trahedya kung saan dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyo, bumigay ang dam na gawa sa lupa (earth dam) at inanod ang pamayanan. Nagsilbi ito bilang aral, kung kaya’t si Sano Tojiro, isang doktor sa engineering na naging matagumpay sa pagtayo ng kauna-unahang kongkretong dam sa Japan, ang nangasiwa sa panunumbalik nito at itinayo ang Mitani Dam, na isang solido at kongkretong dam na napreserba sa kasalukuyang panahon. Mula noon, ang tap water mula sa Headwaters Reservoir at Facility Complex ng Suplay ng Tubig ng Dating Mitani ay ginagamit bilang inuming tubig. Bukod rito, tumutulong din ito sa pag-unlad ng rehiyon nang higit kalahating siglo, tulad ng pagsusuplay ng tubig para sa mga steam locomotives o sa mga pabrika, at nagpatuloy ang aktibong papel nito hanggang 1992. Bagama’t sinara ito bilang isang pasilidad pagkatapos, ang sistema ng suplay ng tubig noong Panahon ng Taisho (1912-1926) ay nananatili hanggang sa kasalukuyan at itinalaga ito bilang mahalagang kultural na ari-arian ng Japan noong 2007. Ngayon, kinagigiliwan ito bilang lugar kung saan mararamdaman ang kasaysayan ng rehiyon.

Matatagpuan ito sa kabundukan malapit sa sentro ng lungsod, kaya maaaring ma-enjoy ng mga bisita ang tanawin sa apat na panahon, tulad ng namumulaklak na sakura, mga alitaptap tuwing tag-init, makukulay na dahon tuwing taglagas, at niyebe tuwing taglamig, na tiyak na magugustuhan ng mga tao. Bagama’t natapos na ang papel nito bilang pasilidad ng suplay ng tubig, nananatili sa pasilidad na ito ang sigasig at diwa ng mga naunang henerasyon, kaya itinuturing itong isang mahalagang yaman sa rehiyon na hindi mapapalitan.

Junction well na may bubong na hugis dome

Junction well na may bubong na hugis dome

Ang tubig mula sa reservoir ay iniimbak sa limang filtration pools

Ang tubig mula sa reservoir ay iniimbak sa limang filtration pools

Ang flow meter room ay naglalaman pa rin ng metro na ginamit noong panahon na iyon

Ang flow meter room ay naglalaman pa rin ng metro na ginamit noong panahon na iyon

360 Virtual Tour

文化庁

令和6年度 文化資源活用事業費補助金(文化財多言語解説整備事業)