Pangkalahatang-ideya
Ang Tadotsu ay nakapagtatag ng pundasyon ng daungan sa Tadotsu noong 1838 sa pamamagitan ng malaking konstruksyon ng Tadotsu Tampo, na pinondohan ng napakalaking halaga. Simula noon, mula sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, umunlad ito bilang isang piyer para sa pagbisita sa Kotohira Shrine sa Tadotsu, at bilang isang pantalan ng mga “Kitamaebune”, mga komersyal na barkong naglalakbay mula hilagang Japan patungong Osaka, at nagnenegosyo habang dumadaan sa hilagang baybayin ng Japan at Seto Inland Sea. Noong 1889, itinatag ang Sanuki Railway na naka-base sa Tadotsu, at ito ay umunlad bilang isang makabuluhang punto para sa transportasyon ng hukbong dagat. Dagdag pa rito, dahil sa pagtatag ng kauna-unahang weather observatory sa Shikoku, first class post office na pinamamahalaan ng gobyerno, mga kumpanya ng kuryente at iba pa, umunlad ang Tadotsu bilang isang lugar na pinagmumulan ng modernong kultura sa Shikoku. Ang “Tadotsu Tampo” sa daungan sa Tadotsu na naging pantalan ng mga Kitamaebune, ang “Dating Tirahan ng Pamilya Goda” na umunlad bilang maritime merchant, at ang “JR Tadotsu Station Turntable” na isang pasilidad ng riles na pinondohan at na-modernize ng “Tadotsu Shichifukujin”, kabilang ang Pamilya Goda, ay mga mahahalagang kultural na ari-arian na ipinaparamdam ang kasaysayan ng Tadotsu, na mula pa noong ika-17 siglo ay naging isang pangunahing pantalan ng mga Kitamaebune at nagsilbi bilang gateway mula sa karagatan patungong Kotohira Shrine. Dagdag pa rito, ang Tadotsu ay palaging nangunguna sa modernisasyon sa Shikoku, tulad ng pagtatatag ng Sanuki Railway.
Mula dito, maaari mong ma-enjoy ang digital contents sa METAVERSE space.
Ito ay isang pasilidad sa daungan na itinayo upang madaungan ng mga Kitamaebune na naglalakbay mula hilagang Japan patungong Osaka. Itinayo ito noong 1838 nang i-renovate ang lumang daungan na gumagamit ng bukana ng ilog. Pinaniniwalaan na itinayo ito upang mapabuti ang naging makitid na daungan at sa ibabaw ng mga sandbar na nabuo ng ilog at mga tidal current upang maiwasan ang pagguho ng mga lugar sa daungan dahil sa tidal current, alon at iba pa. Dahil pinalalim ang tubig noong panahon na iyon, noong una, ang mga malalaking barko ay nakikipag-ugnayan sa daungan ng Tadotsu nang hindi direkta, kundi gamit ang mga Tenmasen at iba pa, ngunit dahil naging posible na para sa mga malalaking barko na makapasok, maraming mga Kitamaebune at iba pang cargo ship ang nakapasok at nakalabas dito. Ang seawall na itinayo noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo ay makikita hanggang kamakailan lang, ngunit dahil sa konstruksyon ng seawall noong nakalipas na ilang taon, hindi na ito nakikita ngayon. Sa kasalukuyan, makikita pa ang bahagi ng seawall na na-renovate mula noong 1912.
Ang dulo ay pabilog
Naiwang poste para sa mooring ng mga barko
Naroroon pa rin ang batong seawall sa malawak na area
Ang “Dating Tirahan ng Pamilya Goda (Shimaya)” ay isang malaking mansyon na sunod-sunod na itinayo at pinanatili sa loob ng tatlong henerasyon ng Pamilya Goda, na mga kilalang mayayamang mangangalakal, negosyante, politiko at iba pa na aktibo mula sa makaluma hanggang sa modernong panahon. Ang Pamilya Goda ay lumipat sa Tadotsu mula sa kalapit na bayan noong 1845. Bilang isang pantalan ng mga Kitamaebune, lumitaw ang mga shipowner at mangangalakal na gumagamit ng Kitamaebune para magbenta at bumili ng mga produkto sa bawat lugar. Ang mga mangangalakal na iyon ay tinawag na maritime merchant, at ang mga mangangalakal na yumaman sa pamamagitan ng pagiging kilalang maritime merchant sa Tadotsu ay tinawag na “Shichifukujin”, kung saan kabilang dito ang Pamilya Goda. Mula sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, nag-ambag sila ng maraming pondo para sa modernisasyon. Ang mga asukal, bulak, at asin na ginawa sa mga kalapit na lugar ay in-export mula sa Tadotsu patungo sa bawat lugar. In-export din mula sa Tadotsu hindi lamang ang mga kilalang produkto ng local area na Sanuki, kundi pati na rin ang mga produkto mula sa Kochi na nasa kabilang bahagi ng mga bundok ng Shikoku. Kasama rin sa mga in-import ang bigas, kombu mula sa Hokkaido, Pacific saury, miso at toyo, tuyong sardinas (tinatawag na “Hoshika”, pataba na gawa sa isda) at iba pa.
Western-style chandelier na nakasabit mula sa coffered ceiling
Ceramic na hugasan ng kamay
May brick warehouse din sa loob ng property
Ang Tadotsu ay kilala bilang lugar na pinagmulan ng mga riles sa Shikoku, at maraming pamanang modernisasyon na may kaugnayan sa mga riles ang matatagpuan sa buong bayan. Mayroon itong 10 nakarehistrong kultural na ari-arian: 3 sa JR Tadotsu Station at 7 sa JR Tadotsu Factory (sa kasalukuyan, may 2 sa Tadotsu Station at 6 sa Tadotsu Factory). Sa partikular, nagkaroon ng 1 turntable at 2 water tower sa loob ng JR Tadotsu Station. Ang turntable ay isang kagamitan na ginagamit para sa pagpapalit ng direksyon ng mga powered vehicle, at mayroon itong riveted, overhead-type na balanced steel girder na itinayo noong 1950. Ang water tower ay itinayo noong 1913, at ito ay may reinforced concrete water tank sa frame na gawa sa ladrilyo. Ito ang tanging water tower sa Kagawa Prefecture bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pangalawang water tower ay istrukturang bakal na ginawa gamit ang mga lumang riles at itinayo noong 1951. Ang mga pasilidad na ito ay kailangan para sa steam locomotive at nagsisilbi bilang mahahalagang labi ng mga estruktura na nagpapakita na ang Tadotsu Station ay ang sangandaan ng mga pangunahing linya sa Shikoku.
Ang bahagi ng pundasyon ay gawa sa pinagpatong-patong na bato
Makikita ang gulong sa dulo ng span
Ang control booth ay pinalitan ng mas bago
令和6年度 文化資源活用事業費補助金(文化財多言語解説整備事業)