'Funaoka Onsen', Isang Modernong Arkitektura ng Sento o Pampublikong Paliguan sa Kyoto

Ang Funaoka Onsen ay isang makasaysayang Sento o pampublikong paliguan na matatagpuan sa Murasakino Minamifunaoka-cho, Kita-ku, Kyoto City. Matatagpuan ito sa paanan ng Mt. Funaoka, kung saan matatanaw ang Kyoto mula sa tuktok ng bundok, at napapalibutan ng maraming makasaysayang templo at dambana, kaya mararamdaman mo ang kagandahan ng Kyoto. Bilang simula, itinatag ito noong 1923, nang itinayo ni Matsunosuke Ohno ng unang henerasyon ng Pamilya Ohno, na noong unang panahon ay namamahala ng tindahan ng mga bato para sa hardin sa Kamigano, ang “Funaoka-ro”, isang Ryokan o traditional Japanese inn, at ang kasama nitong paliguan na “Funaoka Onsen”. Pagkatapos, naisip ni Goichiro Ohno ng pangalawang henerasyon ng Pamilya Ohno, na nais niyang magbukas ng negosyo na “Onsen” sa Kyoto, kung saan walang mga onsen sa panahon na iyon, kung kaya’t itinayo niya ang kauna-unahang Denkiburo o electric bath sa Japan noong 1933. Ikinuwento kalaunan ni Yoshio Ohno ng pang-apat na henerasyon ng Pamilya Ohno na sumakay si Goichiro Ohno ng steam locomotive Limited Express Tsubame mula sa Istasyon ng Kyoto hanggang sa Ministry of International Trade and Industry nang maraming beses upang patakbuhin ang negosyo bilang “Special Funaoka Onsen”. Bukod pa rito, ang bahagi ng paliguan ay ni-renovate noong 1932, ilang panahon bago itinayo ang Denkiburo o electric bath, at na-convert ito bilang isang pasilidad ng paliguan na para lamang sa pagligo. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ganap na nagsimula ang pagpapatakbo ng negosyo bilang isang pampublikong paliguan (Sento) noong 1947, at nagpapatuloy sa kasalukuyan. Isa ito sa nakarehistrong kultural na ari-arian ng Japan at kinikilala bilang isa sa “Mga gusali at hardin na nagpapaganda sa Kyoto” na pinili ng mga residente ng prepektura.

Metastore

Mula dito, maaari mong ma-enjoy ang digital contents sa METAVERSE space.

Pagpapakilala ng mga kultural na ari-arian

Changing Room sa “Funaoka Onsen”

Ito ay isang pasilidad na itinayo bilang isang paliguan na kasama ng Funaoka-ro Ryokan o traditional Japanese inn na may kainan. Ito ay dalawang palapag na gusali na gawa sa kahoy, kung saan sa unang palapag ay matatagpuan ang entrance at reception desk sa harapan at changing room sa likuran, habang sa ikalawang palapag ay matatagpuan ang dalawang Japanese-style na silid. Itinayo ang gusali noong Pebrero 1923. Ang entrance sa may Kuramaguchi Street na may Karahafu o gablete ay bagong itinayo noong 1928, at naging isang gusali na pamilyar sa mga residente. Ang apat na pader na nakapalibot sa changing room at ang pader na naghihiwalay ng changing room para sa lalaki at babae ay may wooden carved Ranma o transom. Pinaniniwalaan na ang motif ng silangang bahagi ay hango sa Aoi Matsuri at Kamo Kurabe Uma, habang ang sa kanlurang bahagi naman ay hango sa Imamiya Matsuri. Bukod pa rito, ang Ranma o transom ng “Nikudan San Yuushi” na hango sa Insidente sa Shanghai, at ang majolica tiles sa changing room ay mga tampok na makikita.

Entrance sa may Kuramaguchi Street na may Karahafu o gablete

Entrance sa may Kuramaguchi Street na may Karahafu o gablete

Pinalamutian ng mga ukit ng Kurama Tengu at Ushiwakamaru ang coffered ceilling

Pinalamutian ng mga ukit ng Kurama Tengu at Ushiwakamaru ang coffered ceilling

Ang ranma o transom ay pinalamutian ng mga ukit na may motif ng mga sundalo

Ang ranma o transom ay pinalamutian ng mga ukit na may motif ng mga sundalo

Paliguan sa “Funaoka Onsen”

Ito ay itinayo bilang kapalit ng orihinal na paliguan na gawa sa ladrilyo noong ito ay itinatag. Ito ay isang palapag na gusali na gawa sa reinforced concrete, na binubuo ng pasilyo patungo sa changing room at ng paliguan para sa mga lalaki at babae (ang likuran ay dating Tadeba o sigaan). Naglagay ng pabilog na bintana sa nakataas na bahagi para sa liwanag, at ang parapet na gawa sa bato mula sa Kikusuibashi Bridge na matatagpuan sa Senbon Kuramaguchi ay muling ginamit. Kilala ang kakaibang hugis nito tulad ng mga palamuting dekoratibong tiles at iba pa sa interior nito. Kumpleto ito bilang isang pasilidad ng paliguan, tulad ng pagkakaroon ng kauna-unahang inaprubahan ng gobyerno ng Japan na Denkiburo o electric bath, jet bath, open-air bath, sauna at iba pa.

Ang Ppalsilyong kumokonekta sa paliguan at changing room ay pinalamutian ng majolica tiles

Ang pasilyong kumokonekta sa paliguan at changing room ay pinalamutian ng majolica tiles

Ang paliguan ay may iba’t ibang uri ng bathtub kabilang ang Denkiburo o electric bath

Ang paliguan ay may iba’t ibang uri ng bathtub kabilang ang Denkiburo o electric bath

Ang parapet na gawa sa bato ng walkway ay galing mula sa  inilipat na Kikusuibashi Bridge, na dati ay matatagpuan sa Senbon Kuramaguchi

Ang parapet na gawa sa bato ng walkway ay galing mula sa inilipat na Kikusuibashi Bridge, na dati ay matatagpuan sa Senbon Kuramaguchi

Dating Funaoka-ro sa “Funaoka Onsen”

Nakatayo ito sa kanlurang bahagi ng changing room at paliguan. Ito ay Ito ay dalawang palapag na gusali dalawang palapag na gusali na gawa sa kahoy, na binubuo ng bahagi ng entrance, pangunahing gusali, at hilagang gusali. Mayroong isang maliit na silid sa unang palapag at isang malawak na silid sa ikalawang palapag sa pangunahing gusali, habang sa hilagang gusali ay may tig-isang tatami room sa una at ikalawang palapag. Bagama’t walang kapansin-pansin na mga dekorasyon, ang sahig ng guest room, paligid ng istante, Ranma o transom at iba pa ay maingat na idinisenyo upang magbigay ng hitsura na parang isang Ryokan o traditional Japanese inn na gusali.

Hardin ng Funaoka-ro na itinayo ng unang henerasyon ng may-ari na mahilig sa paghahardin

Hardin ng Funaoka-ro na itinayo ng unang henerasyon ng may-ari na mahilig sa paghahardin

Panlabas na pader na malawakang ginamitan ng Kibune stone

Panlabas na pader na malawakang ginamitan ng Kibune stone

Ang bahagi ng bubong ng gate ay Bbahagyang natatakpan ng tansong panel ang bubong ng gate

Ang bahagi ng bubong ng gate ay bahagyang natatakpan ng tansong panel

360 Virtual Tour

文化庁

令和6年度 文化資源活用事業費補助金(文化財多言語解説整備事業)